Wednesday, November 14, 2007

Ang Bingo Social

Sino ba naman ang makakalimot sa Bingo Social? Kung may fund-raising, paborito ang larong ito.

Hindi ko alam kung sino ang nagpa-uso nito sa ating paaralan. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula at kung kailan ito naging "craze".

Ang alam ko lang ay may nalalapit na namang Bingo Social na inihahatid sa atin ng Batch 2002. Sa Sabado na ito, 2:00 ng hapon sa hindi kwadradong lugar na nasa likod ng simbahan sa bayan.

Sampung piso lang ang bawat card. Tamang puhunan lang para sa dagdag na kita para sa darating na Kapaskuhan.

Kaya, pumunta na sa masayang kaganapang ito! :)


Siya nga pala, kung may nakakaalam sa "kasaysayan ng Bingo Social" sa SNA, maari po lamang na sumulat dito sa detalyeng nakalagay sa Bulletin Board. Salamat po!

0 comments: